Larong sinalihan

Larong sinalihan

Sa iyong pagngiti
Ay siyang aking pagngiti
Sa pagtigil ng mundo ko
Ay siyang pagikot mo sa mundo niya

Mayroong di napansin
Di namalayan ang paglisan
Ng aking pusong papansin
Pumunta ito sa iyo nang palihim

Isang lihim na ‘di mo matutuklasan
Isang lihim na aking babawiin
Isang lihim na ‘di kailanman
Ay bibigyan ng pansin

Hindi naman daw imposible
Hindi naman daw masama umasa
Kahit sobrang labo pati ng pag-asa
Bakit ba kasi ganyan ka pare

Oras oras nalang pinapaalala sa sarili
Mga bagay na hindi maaaring maramdaman
Umaasang mailayo man lang ang sarili sa sakit
Sakit na hindi naman pala maiiwasan

Hindi maiwasan dahil sa pesteng puso
Pusong patuloy umaasa
Kahit anong pigil, kahit ako’y napapaso
Kahit unti unti nang nawawasak

Masakit ngayon, bukas hihilom
Masaya ngayon, bukas iiyak

Ako ba’y iyong hinahamon
Sa larong pag-ibig na
sabay nating inumpisahan?
Sa larong aking sineryoso
Sa larong ikaw ay hokage

Sabay nating inumpisahan
Ngunit sa kakaibang paraan
Sa magkaibang direksyon
Habang ako’y nahuhulog
Ikaw ay kumapit
Pero hindi sa aking mga kamay

Nauubusan na ako ng mga salita
Nawawalan na ng ideya
Kung ano pang idudugtong sa tulang ito
Parang damdamin ko lang sa iyo
Ako’y litong lito

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s